Frequently Asked Questions (FAQs)
Frequently Asked Questions (FAQs)
Enrollment
General Requirements:
Filipino Citizen
Hindi kasalukuyang benepisyaryo ng ibang government scholarship o subsidy program
May minimum na 10 years basic education
Training Requirements:
3 pcs 1x1 photo (White background, collard shirt)
2 pcs passport-size photo
PSA/NSO Birth Certificate (copy)
High School Form 138/Highs School Diploma/College Diploma/ TOR/ ALS Certificate
Original Barangay Clearance
Original Barangay Indigency
Photocopy ng Medical Certificate (fit to training)
NCAE result o mag-take ng aptitude test sa RTC-Guiguinto Registrar
Para sa married women: photocopy ng Marriage Certificate
Visit the Training Center
Pumunta sa RTCCL - Guiguinto (MacArthur Highway, Tabang, Guiguinto, Bulacan) para mag-inquire tungkol sa available courses, schedule, at enrollment.
Pwede rin tumawag sa (044) 792-6503 / 0927-314-6890 / 0969-241-3612
Inquiry at Pre-Assessment
Sa pagbisita mo, makikipag-usap ka sa Registrar's Office, ipapasa mo ang mga training requirements, at magte-take ng aptitude test o resulta ng iyong NCAE.
*Scholarship Application
Para sa ilang courses, lalo na under TWSP, pwede kang mag-apply for scholarship.
Kapag natanggap ka, free ang training at National assessment, at may training allowance pa.
Enrollment Confirmation
Kapag pasado ka sa pre-assessment at kumpleto ang documents, iko-confirm nila ang slot mo para sa next batch.
Sasabihin nila ang start date at class schedule.
Online Programs
May TESDA Online Programs, pero hindi lahat ng courses sa RTCGuiguinto ay available online.
Para sa on-site courses, mas common ang in-person enrollment
Check TESDA national website o Guiguinto RTC page para sa possible blended/remote offerings.
Para sa TWSP programs: at least 18 years old bago matapos ang training.
Educational Requirement: Kailangan ng high school diploma o equivalent.
Kailangan din magpasa ng Form 138 (HS) o College TOR/diploma.
Dapat Filipino citizen at hindi kasalukuyang scholar ng ibang government program.
Libre ang ilang programs kung scholar ka (hal., TWSP, STEP, TTSP).
Halimbawa: Electrical Installation & Maintenance NC III ay offered for free sa TWSP scholars at may training allowance pa.
Kung hindi scholar, free pa rin training pero wala ang ilang benepisyo ng isang scholar.
May iba pang scholarship programs si TESDA, kaya advisable mag-check sa website o mag-inquire sa RTC.
Walang fixed o regular schedule na naka-post publicly. Depende ito sa demand, available slots, at scholarship cycle (lalo na TWSP).
Training Program
Certificate of Training / Certificate of Completion
Kapag natapos mo ang isang TESDA training course sa training center, makakakuha ka ng Certificate of Training o Certificate of Completion.
Ipinapakita nito na natapos mo ang training, pero hindi ibig sabihin na nationally certified ka na.
National Certificate (NC) o Certificate of Competency (COC)
Iba pa ang competency assessment. Pagkatapos ng assessment at pumasa ka, bibigyan ka ng TESDA ng National Certificate (NC) o Certificate of Competency (COC) depende sa qualification na in-assess sa’yo.
National Certificate (NC) — ibinibigay kapag naipakita mo ang competence sa lahat ng required units para sa buong qualification.
Certificate of Competency (COC) — ibinibigay kung naipakita mo ang competence sa ilan lang o specific units ng qualification, hindi buong course.
Oo, Nag-aalok ang TESDA RTC-CL Guiguinto ng short-term at skills-upgrading courses para sa mga may trabaho o professionals na gustong magdagdag o mag-improve ng skills nang hindi kailangan ng pangmatagalang training.
Oo, lahat ng training programs ay may kombinasyon ng classroom learning at hands-on practice. May theoretical at practical na training gamit ang industry-standard na equipment.
Depende ito sa course. Ang short-term programs ay pwedeng matapos sa ilang araw o linggo, habang ang full qualification programs ay umaabot ng ilang buwan.
Oo, Patuloy na gumagawa ang TESDA RTCCL - Guiguinto ng specialized programs tulad ng Mechatronics Servicing NC II para makasabay sa industry trends at maihanda ang trainees sa modernong workplace.
Certification
Oo, ang mga TESDA Regional Training Centers (RTCs), kasama ang RTC- Central Luzon, Guiguinto, ay nagsasagawa ng competency assessments.
Halimbawa: Nagkaroon ng two-day assessment para sa Driving NC II sa RTCCL - Guiguinto.
Ibig sabihin, pagkatapos ng ilang training programs, pwede kang ma-assess mismo sa center na ’yon kung ito ay designated na assessment venue.
Karaniwan itong inilalabas ng TESDA matapos maproseso ang iyong assessment results. Maaari itong abutin ng ilang araw hanggang ilang linggo depende sa dami ng applicants at proseso ng assessment center. Makakatanggap ka ng abiso kapag handa na itong i-claim.
Hanapin ang Assessment Center
Alamin kung aling TESDA-accredited assessment centers ang malapit sa’yo, o kung ang RTCCL - Guiguinto mismo ay accredited para sa qualification na kukunin mo.
Ihanda ang Mga Requirements
Kadalasang kailangan:
Accomplished application form
Accomplished Self-Assessment Guide (SAG) para sa qualification mo
3 pcs passport-size picture (white background, may pangalan sa lharap)
Valid ID
Birth Certificate
Certificate of Employment
Training certificate o proof na natapos mo ang training (depende sa qualification)
Submit Application & Magbayad ng Fee
I-submit ang application form SAG at iba pang requirements.
Magbayad ng assessment fee (nag-iiba depende sa qualification).
Take the Assessment
Sa schedule ng assessment, pumunta sa venue dala ang admission slip/official receipt.
Ang assessment ay maaaring:
Demonstration
Written or oral exam
Portfolio
Interview
(Depende sa qualification)
Results at Certification
Makakakuha ka ng CARS (Competency Assessment Result Summary) pagkatapos ma-assess.
Karaniwan, within 7 working days makukuha ang NC o COC mo.
Local: Oo. Malawak na kinikilala ang TESDA NC/COC sa Pilipinas bilang patunay ng competency sa technical skills.
Abroad: Oo. Kinikilala rin ito ng maraming employers overseas, lalo na sa mga industries na nangangailangan ng skilled workers.
May TESDA Registry of Certified Workers din kung saan pwedeng i-verify ng employers ang authenticity ng certificate mo.
Oo, pwede kang mag-retake kung bumagsak ka sa assessment.
Mainam na i-review ang Self-Assessment Guide at mag-practice sa areas na nahirapan ka.
Kapag mag-re-retake:
Fill-up ulit ng application at mag submit ulit ng requirements
Magbayad ulit ng assessment fee
Muli kang magte-take ng assessment
Others
Maaari ninyo kaming kontakin sa mga sumusunod:
Tel: 044-792-6503
Assessment: 0969-519-5972
Training: 0927-314-6890 / 0969-241-3612
Admin: 0998-135-1905
Email: rtcguiguinto@tesda.gov.ph
Bukas ang office Monday to Friday, 8:00am - 5:00pm.
Oo, Pwede ninyo kaming kontakin anumang oras sa aming email at mga contact numbers.
Wala nang hiwalay na “Announcements” section. Ang lahat ng updates at importanteng activities ay makikita sa News & Events section at sa Home page.
1. Pumunta sa top menu at i-click ang Resources.
2. Lalabas ang listahan ng lahat ng downloadable files.
3. Piliin ang file na nais mong i-download o i-view.
4. I-click ang file para ito ay ma-open.
5. Kapag naka-open na ang PDF file, hanapin ang Download icon sa kanang itaas at i-click ito.
6. Hintayin hanggang tuluyang ma-download ang file
Pwede mo rin i-click dito Click Here
Oo, Maaari kang bumalik sa Resources section anumang oras para i-view o i-download ulit ang mga files.
Hindi, Maaari mong ma-access ang files kahit walang account.
Oo, Lahat ng resources sa website ay free to download.
Ina-update ang resources regularly, depende kung may bagong materials o announcements.